1 Beloved, believe not every spirit, but try the spirits whether they are of God: because many false prophets are gone out into the world. | 1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. |
2 Hereby know ye the Spirit of God: Every spirit that confesseth that Jesus Christ is come in the flesh is of God: | 2 Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: |
3 And every spirit that confesseth not that Jesus Christ is come in the flesh is not of God: and this is that spirit of antichrist, whereof ye have heard that it should come; and even now already is it in the world. | 3 At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. |
4 Ye are of God, little children, and have overcome them: because greater is he that is in you, than he that is in the world. | 4 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan. |
5 They are of the world: therefore speak they of the world, and the world heareth them. | 5 Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig ng sanglibutan. |
6 We are of God: he that knoweth God heareth us; he that is not of God heareth not us. Hereby know we the spirit of truth, and the spirit of error. | 6 Tayo nga'y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian. |
7 Beloved, let us love one another: for love is of God; and every one that loveth is born of God, and knoweth God. | 7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. |
8 He that loveth not knoweth not God; for God is love. | 8 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig. |
9 In this was manifested the love of God toward us, because that God sent his only begotten Son into the world, that we might live through him. | 9 Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. |
10 Herein is love, not that we loved God, but that he loved us, and sent his Son to be the propitiation for our sins. | 10 Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan. |
11 Beloved, if God so loved us, we ought also to love one another. | 11 Mga minamahal, kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo. |
12 No man hath seen God at any time. If we love one another, God dwelleth in us, and his love is perfected in us. | 12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: kung tayo'y nangagiibigan, ang Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin: |
13 Hereby know we that we dwell in him, and he in us, because he hath given us of his Spirit. | 13 Dito'y nakikilala natin na tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu. |
14 And we have seen and do testify that the Father sent the Son to be the Saviour of the world. | 14 At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan. |
15 Whosoever shall confess that Jesus is the Son of God, God dwelleth in him, and he in God. | 15 Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios. |
16 And we have known and believed the love that God hath to us. God is love; and he that dwelleth in love dwelleth in God, and God in him. | 16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya. |
17 Herein is our love made perfect, that we may have boldness in the day of judgment: because as he is, so are we in this world. | 17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito. |
18 There is no fear in love; but perfect love casteth out fear: because fear hath torment. He that feareth is not made perfect in love. | 18 Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig. |
19 We love him, because he first loved us. | 19 Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin. |
20 If a man say, I love God, and hateth his brother, he is a liar: for he that loveth not his brother whom he hath seen, how can he love God whom he hath not seen? | 20 Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? |
21 And this commandment have we from him, That he who loveth God love his brother also. | 21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid. |