Chapter 7 - John |
Verses
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40
41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53
1 After these things Jesus walked in Galilee: for he would not walk in Jewry, because the Jews sought to kill him. | 1 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: sapagka't ayaw siyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin. |
2 Now the Jews' feast of tabernacles was at hand. | 2 Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. |
3 His brethren therefore said unto him, Depart hence, and go into Judaea, that thy disciples also may see the works that thou doest. | 3 Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. |
4 For there is no man that doeth any thing in secret, and he himself seeketh to be known openly. If thou do these things, shew thyself to the world. | 4 Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan. |
5 For neither did his brethren believe in him. | 5 Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya. |
6 Then Jesus said unto them, My time is not yet come: but your time is alway ready. | 6 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda. |
7 The world cannot hate you; but me it hateth, because I testify of it, that the works thereof are evil. | 7 Hindi mangyayaring kayo'y kapootan ng sanglibutan; nguni't ako'y kinapopootan, sapagka't siya'y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa. |
8 Go ye up unto this feast: I go not up yet unto this feast; for my time is not yet full come. | 8 Mangagsiahon kayo sa pista: ako'y hindi aahon sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon. |
9 When he had said these words unto them, he abode still in Galilee. | 9 At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea. |
10 But when his brethren were gone up, then went he also up unto the feast, not openly, but as it were in secret. | 10 Datapuwa't nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista, saka naman siya umahon, hindi sa hayag, kundi waring sa lihim. |
11 Then the Jews sought him at the feast, and said, Where is he? | 11 Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista, at kanilang sinasabi, Saan naroon siya? |
12 And there was much murmuring among the people concerning him: for some said, He is a good man: others said, Nay; but he deceiveth the people. | 12 At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan: sinasabi ng ilan, Siya'y taong mabuti; sinasabi ng mga iba, Hindi gayon, kundi inililigaw niya ang karamihan. |
13 Howbeit no man spake openly of him for fear of the Jews. | 13 Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio. |
14 Now about the midst of the feast Jesus went up into the temple, and taught. | 14 Datapuwa't nang ang kapistahan nga'y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo. |
15 And the Jews marvelled, saying, How knoweth this man letters, having never learned? | 15 Nagsipanggilalas nga ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man? |
16 Jesus answered them, and said, My doctrine is not mine, but his that sent me. | 16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. |
17 If any man will do his will, he shall know of the doctrine, whether it be of God, or whether I speak of myself. | 17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. |
18 He that speaketh of himself seeketh his own glory: but he that seeketh his glory that sent him, the same is true, and no unrighteousness is in him. | 18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan. |
19 Did not Moses give you the law, and yet none of you keepeth the law? Why go ye about to kill me? | 19 Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y wala sa inyong gumaganap ng kautusan? Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin? |
20 The people answered and said, Thou hast a devil: who goeth about to kill thee? | 20 Sumagot ang karamihan, Mayroon kang demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin? |
21 Jesus answered and said unto them, I have done one work, and ye all marvel. | 21 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon. |
22 Moses therefore gave unto you circumcision; (not because it is of Moses, but of the fathers;) and ye on the sabbath day circumcise a man. | 22 Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, kundi sa mga magulang); at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake. |
23 If a man on the sabbath day receive circumcision, that the law of Moses should not be broken; are ye angry at me, because I have made a man every whit whole on the sabbath day? | 23 Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao sa sabbath? |
24 Judge not according to the appearance, but judge righteous judgment. | 24 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol. |
25 Then said some of them of Jerusalem, Is not this he, whom they seek to kill? | 25 Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem, Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin? |
26 But, lo, he speaketh boldly, and they say nothing unto him. Do the rulers know indeed that this is the very Christ? | 26 At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo? |
27 Howbeit we know this man whence he is: but when Christ cometh, no man knoweth whence he is. | 27 Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya. |
28 Then cried Jesus in the temple as he taught, saying, Ye both know me, and ye know whence I am: and I am not come of myself, but he that sent me is true, whom ye know not. | 28 Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala. |
29 But I know him: for I am from him, and he hath sent me. | 29 Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin. |
30 Then they sought to take him: but no man laid hands on him, because his hour was not yet come. | 30 Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras. |
31 And many of the people believed on him, and said, When Christ cometh, will he do more miracles than these which this man hath done? | 31 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito? |
32 The Pharisees heard that the people murmured such things concerning him; and the Pharisees and the chief priests sent officers to take him. | 32 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya'y hulihin. |
33 Then said Jesus unto them, Yet a little while am I with you, and then I go unto him that sent me. | 33 Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin. |
34 Ye shall seek me, and shall not find me: and where I am, thither ye cannot come. | 34 Hahanapin ninyo ako, at hindi ako masusumpungan: at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon. |
35 Then said the Jews among themselves, Whither will he go, that we shall not find him? will he go unto the dispersed among the Gentiles, and teach the Gentiles? | 35 Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griego, at magtuturo sa mga Griego? |
36 What manner of saying is this that he said, Ye shall seek me, and shall not find me: and where I am, thither ye cannot come? | 36 Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon? |
37 In the last day, that great day of the feast, Jesus stood and cried, saying, If any man thirst, let him come unto me, and drink. | 37 Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom. |
38 He that believeth on me, as the scripture hath said, out of his belly shall flow rivers of living water. | 38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. |
39 (But this spake he of the Spirit, which they that believe on him should receive: for the Holy Ghost was not yet given; because that Jesus was not yet glorified.) | 39 (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.) |
40 Many of the people therefore, when they heard this saying, said, Of a truth this is the Prophet. | 40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta. |
41 Others said, This is the Christ. But some said, Shall Christ come out of Galilee? | 41 Sinasabi ng mga iba, Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo? |
42 Hath not the scripture said, That Christ cometh of the seed of David, and out of the town of Bethlehem, where David was? | 42 Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David? |
43 So there was a division among the people because of him. | 43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya. |
44 And some of them would have taken him; but no man laid hands on him. | 44 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya. |
45 Then came the officers to the chief priests and Pharisees; and they said unto them, Why have ye not brought him? | 45 Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala? |
46 The officers answered, Never man spake like this man. | 46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon. |
47 Then answered them the Pharisees, Are ye also deceived? | 47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin? |
48 Have any of the rulers or of the Pharisees believed on him? | 48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo? |
49 But this people who knoweth not the law are cursed. | 49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa. |
50 Nicodemus saith unto them, (he that came to Jesus by night, being one of them,) | 50 Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila), |
51 Doth our law judge any man, before it hear him, and know what he doeth? | 51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa? |
52 They answered and said unto him, Art thou also of Galilee? Search, and look: for out of Galilee ariseth no prophet. | 52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta. |
53 And every man went unto his own house. | 53 Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay: |
Old Testament
- Genesis
- Exodus
- Leviticus
- Numbers
- Deuteronomy
- Joshua
- Judges
- Ruth
- 1 Samuel
- 2 Samuel
- 1 Kings
- 2 Kings
- 1 Chronicles
- 2 Chronicles
- Ezra
- Nehemiah
- Esther
- Job
- Psalms
- Proverbs
- Ecclesiastes
- Song of Solomon
- Isaiah
- Jeremiah
- Lamentations
- Ezekiel
- Daniel
- Hosea
- Joel
- Amos
- Obadiah
- Jonah
- Micah
- Nahum
- Habakkuk
- Zephaniah
- Haggai
- Zechariah
- Malachi