| 1 These are also proverbs of Solomon, which the men of Hezekiah king of Judah copied out. | 1 Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda. |
| 2 It is the glory of God to conceal a thing: but the honour of kings is to search out a matter. | 2 Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay. |
| 3 The heaven for height, and the earth for depth, and the heart of kings is unsearchable. | 3 Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod. |
| 4 Take away the dross from the silver, and there shall come forth a vessel for the finer. | 4 Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo: |
| 5 Take away the wicked from before the king, and his throne shall be established in righteousness. | 5 Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran. |
| 6 Put not forth thyself in the presence of the king, and stand not in the place of great men: | 6 Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: |
| 7 For better it is that it be said unto thee, Come up hither; than that thou shouldest be put lower in the presence of the prince whom thine eyes have seen. | 7 Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata. |
| 8 Go not forth hastily to strive, lest thou know not what to do in the end thereof, when thy neighbour hath put thee to shame. | 8 Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa. |
| 9 Debate thy cause with thy neighbour himself; and discover not a secret to another: | 9 Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: |
| 10 Lest he that heareth it put thee to shame, and thine infamy turn not away. | 10 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis. |
| 11 A word fitly spoken is like apples of gold in pictures of silver. | 11 Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak. |
| 12 As an earring of gold, and an ornament of fine gold, so is a wise reprover upon an obedient ear. | 12 Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig. |
| 13 As the cold of snow in the time of harvest, so is a faithful messenger to them that send him: for he refresheth the soul of his masters. | 13 Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon. |
| 14 Whoso boasteth himself of a false gift is like clouds and wind without rain. | 14 Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan. |
| 15 By long forbearing is a prince persuaded, and a soft tongue breaketh the bone. | 15 Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto. |
| 16 Hast thou found honey? eat so much as is sufficient for thee, lest thou be filled therewith, and vomit it. | 16 Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka. |
| 17 Withdraw thy foot from thy neighbour's house; lest he be weary of thee, and so hate thee. | 17 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka. |
| 18 A man that beareth false witness against his neighbour is a maul, and a sword, and a sharp arrow. | 18 Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana. |
| 19 Confidence in an unfaithful man in time of trouble is like a broken tooth, and a foot out of joint. | 19 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa. |
| 20 As he that taketh away a garment in cold weather, and as vinegar upon nitre, so is he that singeth songs to an heavy heart. | 20 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso. |
| 21 If thine enemy be hungry, give him bread to eat; and if he be thirsty, give him water to drink: | 21 Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom: |
| 22 For thou shalt heap coals of fire upon his head, and the LORD shall reward thee. | 22 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon. |
| 23 The north wind driveth away rain: so doth an angry countenance a backbiting tongue. | 23 Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit. |
| 24 It is better to dwell in the corner of the housetop, than with a brawling woman and in a wide house. | 24 Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay. |
| 25 As cold waters to a thirsty soul, so is good news from a far country. | 25 Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain. |
| 26 A righteous man falling down before the wicked is as a troubled fountain, and a corrupt spring. | 26 Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. |
| 27 It is not good to eat much honey: so for men to search their own glory is not glory. | 27 Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian. |
| 28 He that hath no rule over his own spirit is like a city that is broken down, and without walls. | 28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta. |