To the chief Musician, Altaschith, Michtam of David. | |
1 Do ye indeed speak righteousness, O congregation? do ye judge uprightly, O ye sons of men? | 1 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao? |
2 Yea, in heart ye work wickedness; ye weigh the violence of your hands in the earth. | 2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa. |
3 The wicked are estranged from the womb: they go astray as soon as they be born, speaking lies. | 3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan. |
4 Their poison is like the poison of a serpent: they are like the deaf adder that stoppeth her ear; | 4 Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig; |
5 Which will not hearken to the voice of charmers, charming never so wisely. | 5 At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan. |
6 Break their teeth, O God, in their mouth: break out the great teeth of the young lions, O LORD. | 6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon. |
7 Let them melt away as waters which run continually: when he bendeth his bow to shoot his arrows, let them be as cut in pieces. | 7 Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray. |
8 As a snail which melteth, let every one of them pass away: like the untimely birth of a woman, that they may not see the sun. | 8 Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw. |
9 Before your pots can feel the thorns, he shall take them away as with a whirlwind, both living, and in his wrath. | 9 Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas. |
10 The righteous shall rejoice when he seeth the vengeance: he shall wash his feet in the blood of the wicked. | 10 Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama. |
11 So that a man shall say, Verily there is a reward for the righteous: verily he is a God that judgeth in the earth. | 11 Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa. |