A Song or Psalm of Asaph. | |
1 Keep not thou silence, O God: hold not thy peace, and be not still, O God. | 1 Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. |
2 For, lo, thine enemies make a tumult: and they that hate thee have lifted up the head. | 2 Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. |
3 They have taken crafty counsel against thy people, and consulted against thy hidden ones. | 3 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. |
4 They have said, Come, and let us cut them off from being a nation; that the name of Israel may be no more in remembrance. | 4 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. |
5 For they have consulted together with one consent: they are confederate against thee: | 5 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: |
6 The tabernacles of Edom, and the Ishmaelites; of Moab, and the Hagarenes; | 6 Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; |
7 Gebal, and Ammon, and Amalek; the Philistines with the inhabitants of Tyre; | 7 Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: |
8 Assur also is joined with them: they have holpen the children of Lot. Selah. | 8 Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. |
9 Do unto them as unto the Midianites; as to Sisera, as to Jabin, at the brook of Kison: | 9 Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: |
10 Which perished at Endor: they became as dung for the earth. | 10 Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. |
11 Make their nobles like Oreb, and like Zeeb: yea, all their princes as Zebah, and as Zalmunna: | 11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; |
12 Who said, Let us take to ourselves the houses of God in possession. | 12 Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. |
13 O my God, make them like a wheel; as the stubble before the wind. | 13 Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. |
14 As the fire burneth a wood, and as the flame setteth the mountains on fire; | 14 Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; |
15 So persecute them with thy tempest, and make them afraid with thy storm. | 15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. |
16 Fill their faces with shame; that they may seek thy name, O LORD. | 16 Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. |
17 Let them be confounded and troubled for ever; yea, let them be put to shame, and perish: | 17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: |
18 That men may know that thou, whose name alone is JEHOVAH, art the most high over all the earth. | 18 Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa. |