1 But Job answered and said, | 1 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, |
2 Oh that my grief were throughly weighed, and my calamity laid in the balances together! | 2 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. |
3 For now it would be heavier than the sand of the sea: therefore my words are swallowed up. | 3 Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. |
4 For the arrows of the Almighty are within me, the poison whereof drinketh up my spirit: the terrors of God do set themselves in array against me. | 4 Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. |
5 Doth the wild ass bray when he hath grass? or loweth the ox over his fodder? | 5 Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? |
6 Can that which is unsavoury be eaten without salt? or is there any taste in the white of an egg? | 6 Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? |
7 The things that my soul refused to touch are as my sorrowful meat. | 7 Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. |
8 Oh that I might have my request; and that God would grant me the thing that I long for! | 8 Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! |
9 Even that it would please God to destroy me; that he would let loose his hand, and cut me off! | 9 Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! |
10 Then should I yet have comfort; yea, I would harden myself in sorrow: let him not spare; for I have not concealed the words of the Holy One. | 10 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. |
11 What is my strength, that I should hope? and what is mine end, that I should prolong my life? | 11 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? |
12 Is my strength the strength of stones? or is my flesh of brass? | 12 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? |
13 Is not my help in me? and is wisdom driven quite from me? | 13 Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? |
14 To him that is afflicted pity should be shewed from his friend; but he forsaketh the fear of the Almighty. | 14 Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. |
15 My brethren have dealt deceitfully as a brook, and as the stream of brooks they pass away; | 15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; |
16 Which are blackish by reason of the ice, and wherein the snow is hid: | 16 Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: |
17 What time they wax warm, they vanish: when it is hot, they are consumed out of their place. | 17 Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. |
18 The paths of their way are turned aside; they go to nothing, and perish. | 18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. |
19 The troops of Tema looked, the companies of Sheba waited for them. | 19 Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. |
20 They were confounded because they had hoped; they came thither, and were ashamed. | 20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. |
21 For now ye are nothing; ye see my casting down, and are afraid. | 21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. |
22 Did I say, Bring unto me? or, Give a reward for me of your substance? | 22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? |
23 Or, Deliver me from the enemy's hand? or, Redeem me from the hand of the mighty? | 23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? |
24 Teach me, and I will hold my tongue: and cause me to understand wherein I have erred. | 24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. |
25 How forcible are right words! but what doth your arguing reprove? | 25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? |
26 Do ye imagine to reprove words, and the speeches of one that is desperate, which are as wind? | 26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. |
27 Yea, ye overwhelm the fatherless, and ye dig a pit for your friend. | 27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. |
28 Now therefore be content, look upon me; for it is evident unto you if I lie. | 28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. |
29 Return, I pray you, let it not be iniquity; yea, return again, my righteousness is in it. | 29 Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. |
30 Is there iniquity in my tongue? cannot my taste discern perverse things? | 30 May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay? |