A Song or Psalm for the sons of Korah, to the chief Musician upon Mahalath Leannoth, Maschil of Heman the Ezrahite. | |
1 O LORD God of my salvation, I have cried day and night before thee: | 1 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo: |
2 Let my prayer come before thee: incline thine ear unto my cry; | 2 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: |
3 For my soul is full of troubles: and my life draweth nigh unto the grave. | 3 Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, |
4 I am counted with them that go down into the pit: I am as a man that hath no strength: | 4 Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas: |
5 Free among the dead, like the slain that lie in the grave, whom thou rememberest no more: and they are cut off from thy hand. | 5 Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay. |
6 Thou hast laid me in the lowest pit, in darkness, in the deeps. | 6 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman. |
7 Thy wrath lieth hard upon me, and thou hast afflicted me with all thy waves. Selah. | 7 Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah) |
8 Thou hast put away mine acquaintance far from me; thou hast made me an abomination unto them: I am shut up, and I cannot come forth. | 8 Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas, |
9 Mine eye mourneth by reason of affliction: LORD, I have called daily upon thee, I have stretched out my hands unto thee. | 9 Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian: ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo. |
10 Wilt thou shew wonders to the dead? shall the dead arise and praise thee? Selah. | 10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah) |
11 Shall thy lovingkindness be declared in the grave? or thy faithfulness in destruction? | 11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? |
12 Shall thy wonders be known in the dark? and thy righteousness in the land of forgetfulness? | 12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? |
13 But unto thee have I cried, O LORD; and in the morning shall my prayer prevent thee. | 13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo. |
14 LORD, why castest thou off my soul? why hidest thou thy face from me? | 14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin? |
15 I am afflicted and ready to die from my youth up: while I suffer thy terrors I am distracted. | 15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako. |
16 Thy fierce wrath goeth over me; thy terrors have cut me off. | 16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay. |
17 They came round about me daily like water; they compassed me about together. | 17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama. |
18 Lover and friend hast thou put far from me, and mine acquaintance into darkness. | 18 Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim. |