1 Then Job answered and said, | 1 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, |
2 I have heard many such things: miserable comforters are ye all. | 2 Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat. |
3 Shall vain words have an end? or what emboldeneth thee that thou answerest? | 3 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot? |
4 I also could speak as ye do: if your soul were in my soul's stead, I could heap up words against you, and shake mine head at you. | 4 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo. |
5 But I would strengthen you with my mouth, and the moving of my lips should asswage your grief. | 5 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap, |
6 Though I speak, my grief is not asswaged: and though I forbear, what am I eased? | 6 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin? |
7 But now he hath made me weary: thou hast made desolate all my company. | 7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong. |
8 And thou hast filled me with wrinkles, which is a witness against me: and my leanness rising up in me beareth witness to my face. | 8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha. |
9 He teareth me in his wrath, who hateth me: he gnasheth upon me with his teeth; mine enemy sharpeneth his eyes upon me. | 9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway. |
10 They have gaped upon me with their mouth; they have smitten me upon the cheek reproachfully; they have gathered themselves together against me. | 10 Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin. |
11 God hath delivered me to the ungodly, and turned me over into the hands of the wicked. | 11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama. |
12 I was at ease, but he hath broken me asunder: he hath also taken me by my neck, and shaken me to pieces, and set me up for his mark. | 12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya. |
13 His archers compass me round about, he cleaveth my reins asunder, and doth not spare; he poureth out my gall upon the ground. | 13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa. |
14 He breaketh me with breach upon breach, he runneth upon me like a giant. | 14 Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako. |
15 I have sewed sackcloth upon my skin, and defiled my horn in the dust. | 15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok. |
16 My face is foul with weeping, and on my eyelids is the shadow of death; | 16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan; |
17 Not for any injustice in mine hands: also my prayer is pure. | 17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis, |
18 O earth, cover not thou my blood, and let my cry have no place. | 18 Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing. |
19 Also now, behold, my witness is in heaven, and my record is on high. | 19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan. |
20 My friends scorn me: but mine eye poureth out tears unto God. | 20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios; |
21 O that one might plead for a man with God, as a man pleadeth for his neighbour! | 21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa. |
22 When a few years are come, then I shall go the way whence I shall not return. | 22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan. |