1 Then answered Bildad the Shuhite, and said, | 1 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, |
2 How long will it be ere ye make an end of words? mark, and afterwards we will speak. | 2 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami. |
3 Wherefore are we counted as beasts, and reputed vile in your sight? | 3 Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin? |
4 He teareth himself in his anger: shall the earth be forsaken for thee? and shall the rock be removed out of his place? | 4 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan? |
5 Yea, the light of the wicked shall be put out, and the spark of his fire shall not shine. | 5 Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag. |
6 The light shall be dark in his tabernacle, and his candle shall be put out with him. | 6 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin. |
7 The steps of his strength shall be straitened, and his own counsel shall cast him down. | 7 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya. |
8 For he is cast into a net by his own feet, and he walketh upon a snare. | 8 Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo. |
9 The gin shall take him by the heel, and the robber shall prevail against him. | 9 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya. |
10 The snare is laid for him in the ground, and a trap for him in the way. | 10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan. |
11 Terrors shall make him afraid on every side, and shall drive him to his feet. | 11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong. |
12 His strength shall be hungerbitten, and destruction shall be ready at his side. | 12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran. |
13 It shall devour the strength of his skin: even the firstborn of death shall devour his strength. | 13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap. |
14 His confidence shall be rooted out of his tabernacle, and it shall bring him to the king of terrors. | 14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan. |
15 It shall dwell in his tabernacle, because it is none of his: brimstone shall be scattered upon his habitation. | 15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan. |
16 His roots shall be dried up beneath, and above shall his branch be cut off. | 16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga. |
17 His remembrance shall perish from the earth, and he shall have no name in the street. | 17 Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan. |
18 He shall be driven from light into darkness, and chased out of the world. | 18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan. |
19 He shall neither have son nor nephew among his people, nor any remaining in his dwellings. | 19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan. |
20 They that come after him shall be astonied at his day, as they that went before were affrighted. | 20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot. |
21 Surely such are the dwellings of the wicked, and this is the place of him that knoweth not God. | 21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios. |